If I Stay

Napanuod ko na yung If I Stay kasama ang crush ko, hindi sa sinehan kundi sa isang silid-aralan sa Hum Bldg. ng UPLB. Hindi naman ako masyadong naapektuhan nung pelikula, siguro dahil inalok ako ng saging este ng turon ng crush ko. At noon lang ulit kami nagkita matapos ang isang buwan. Mas nagbigay atensyon siguro ako sa presensya niya kaysa sa pelikula miski na crush ko si Chloe Grace Moretz.

Ngayong sembreak, pinirata ko yung pelikula para magkaroon ng sariling kopya. Ewan, hindi ko kasi natapos noong una ko ‘tong napanuod. Ngayon ko lang na-appreciate yung ganda nung soundtrack niya at may mga eksenang medyo nakarelate ako. Nakakatawa nga kasi wala naman akong KR (as in karelasyon) kaya hindi ko rin alam kung sa papaanong paraan ako nakarelate. Siguro dun sa kwento nung pamilya ni Mia, yung pagkakaibigan nila ni Kim, yung pagmamahalan nila ni Adam at yung pagtupad niya sa pangarap niya.

Ang pinakagusto ko talaga ay yung mga quotable-quotes ni Kat (Nanay ni Mia). At pwede ba? Ang cool ng Tatay niya.

Ito yung linyang binitawan nila na sobrang ❤

Mia Hall: What am I gonna do? I am being completely torn in half.

Kat: You’re going to go to Julliard and play the hell out of your cello. Or, you’re not. You’re gonna stay with Adam and have lots of amazing adventures. Or you’re not. Or maybe tomorrow, the Earth’s gonna smash into a meteor, or it’s not. Life is this big fat gigantic stinking mess. But that’s the beauty of it too. Whatever you do, I support you. Either way, you win. And also either way there’s something that you lose. What can I say, baby? True love’s a bitch.

Leave a comment